Ang naturang mga enforcers ay isang buwang sumailalim sa motorcycle riding course para bigyang kaalaman ang mga ito hinggil sa pag-alalay sa mga motorista.
Bukod dito, ang naturang enforcers ay didisiplina rin sa mga abusadong drivers at manghuhuli ng mga non-moving traffic violations tulad ng colorum vehicles, seat law, smoke belchers, out-of-line at unregistered vehicles.
Sinabi ni Secretary Mendoza na napapanahon ang proyektong ito ng LTO na ang layunin ay matiyak ang kaligtasan ng publiko at mga motorista sa mga lansangan
Sa kanyang panig, sinabi ni Berroya na ito ang kauna-unahang pagkakataon na may motorcycle group ang LTO na aalalay sa mga motorista laluna ang mga riders lalupat patuloy ang pagtaas ng kaso ng mga motorcycle accidents sa bansa partikular sa Metro Manila. May 104 na motorcycles na may halagang P16 Milyon ang pondong inilaan para dito ng Malakanyang. (Angie dela Cruz)