Empleyado umalma sa rigodon ng BSP
February 2, 2007 | 12:00am
Malamang na mag-aklas ang mga empleyado ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) dahil sa reorganisasyon sa nasabing ahensiya.
Ayon sa isang impormante sa Supervision and Examination Division ng BSP, lubha nang "kumukulo" ang damdamin ng maraming empleyado sa naturang dibisyon sanhi ng kawalan ng pagmamalasakit ng pamunuan ng ahensiya sa kanilang kaligtasan at usaping legal.
Anang source, inilipat sa naturang dibisyon ang tungkulin na suriin at imbestigahan ang mga problem banks sa malalayong lugar na siyang naglalagay sa mga kawani nito sa balag ng alanganin.
Nangangamba ang mga kawani dahil sa banta sa kanilang buhay bukod pa sa kakaharaping legal action sa bago nilang tungkulin na suriin at imbestigahan ang problem banks sa kanayunan, kung saan sila itinatalaga nang walang isinasagawang konsultasyon ang pamunuan ng BSP sa mga empleyado nito.
Ayon sa source na ayaw magpakilala, "Ipinatong sa aming mga balikat ang isang tungkulin at responsibilidad nang walang konsultasyon sa hanay ng mga kawani kahit malalagay kami sa balag ng alanganin sa idudulot nitong banta sa aming buhay at posibleng pagsasampa ng kasong legal laban sa amin dahil kami ang nasa front line."
Idinagdag niya na "wala sa kanilang opisyal na tungkulin ang magtungo sa kanayunan, sa malalayong lugar upang imbestigahan ang mga bangkong may problema o nalulugi na alam naman natin, karamihan dito hawak ng pulitiko o maiimpluwensiyang personalidad." (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
June 10, 2026 - 12:00am