Ebdane gagamitin daw sa dayaan
February 2, 2007 | 12:00am
Lumitaw na umano ang totoong papel ni bagong Defense Secretary Hermogenes Ebdane matapos nitong igiit ang mas malawak na papel ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa May polls.
Ito ang sinabi kahapon ni Anakpawis Rep. Crispin Beltran kasabay ang pag-akusa na posibleng gamitin lamang umano ng Malacañang si Ebdane upang mapaboran ang mga kandidato ng administrasyon sa nalalapit na halalan.
Kaduda-duda aniya ang suhestiyon ni Ebdane na pagpapagamit ng mga sasakyan ng militar sa Comelec gayong batay sa pinirmahang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng AFP at Comelec ay limitado ang partisipasyon ng military sa election process gaya ng pagdadala ng balota, maliban na lamang kung may emergency at security threats.
Kaya ng may magtanong na reporter kay Ebdane kung hindi ba isang maagang pagbali sa MOA ang pagpapagamit ng mga behikulo ng militar ay napikon ang kalihim.
"Whats you problem?" nairitang tugon ni Ebdane na sinabi pang flexible naman ang MOA.
Nang magtanong ang lady reporter ng follow-up, "I suggest that you look at the mandate of the Comelec, the mandate of the AFP and the MOA that was signed and you will understand," tugon ni Ebdane.
Si Ebdane ay karaniwan ng napipikon sa mga maiintrigang pagtatanong ng mediamen tulad na lamang ng tanungin ito ng isang reporter ng RMN News Manila na baka makatakas pa sa kinumpuning detention cell sa Camp Crame ang maaarestong terorista makaraang makapuga si Indonesian terrorist Fathur Rohman Al -Ghozi noong Hulyo 2003.
"Kung gusto mo magpakulong ka para malaman mo," ani Ebdane. (Malou Escudero/Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended