^

Bansa

Manila Police Colonel nagpaliwanag sa problema sa oyster

-
Itinanggi kahapon ng isang opisyal ng Manila Police District na may nagaganap na anomalya sa pasuweldo at "ghost employee" ng special project ni Pangulong Arroyo na pagbibigay ng trabaho bilang mga streetsweeper na tinatawag na "Out-of-School Youth Towards Economic Recovery (OYSTER)".

Sinabi ni MPD-Police Community Relations chief, Supt. Francisco Bernal na wala na siyang kinalaman sa pagpapatakbo ng OYSTER dahil sa binitiwan na niya ito pagpasok nitong Enero ng kasalukuyang taon.

Tanging mga coordinator na sina Boy Francisco at Ben Tejaba na nagre-report naman kay Presidential Assistant for Beautification Vivian Del Rosario ang humahawak ngayon ng proyekto sa Maynila.

Itinanggi nito na may mga "ghost employee" siya sa opisina ng PDCR. Sinabi nito na nakikigawa lamang sa kanyang mga computer ang mga coordinator at ilang empleyado ng OYSTER na nakatalagang gumawa ng "paperworks" tulad ng kanilang "monthly accomplishment report" ng proyekto na ipapadala naman ng DPCR sa National Capital Region Police Office.

May panibagong Memorandum of Understanding na ang Office of the President na pinangungunahan ni del Rosario, PNP Director Wilfredo Garcia at ng isang Engr. Rigor ng Department of Public Works and Highways para sa programang OYSTER ngayong 2007.

Kasalukuyang nade-delay umano ang suweldo ng mga streetsweeper ngayong buwan dahil sa pagkakaroon ng problema sa budget ng General Appropriations Act ng taong 2007 na naantala kamakailan na maapruba.

Sinabi ni Bernal na nais niyang malinis ang kanyang pangalan sa anumang anomalya maging noong siya pa ang nagpapatakbo sa Project OYSER noong nakaraang taon at tanging nais lamang niyang makatulong sa mga Manileño na walang rabaho. (Danilo Garcia)

BEAUTIFICATION VIVIAN DEL ROSARIO

BEN TEJABA

BOY FRANCISCO

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DIRECTOR WILFREDO GARCIA

FRANCISCO BERNAL

GENERAL APPROPRIATIONS ACT

ITINANGGI

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with