Ayon sa mga barangay officials, hadlang sa pagkakaroon ng oportuninad na lumikha ng trabaho at kabuhayan ang pagtutol ng mga homeowners ng Montogomery Place at Le Mariche village para sa pagtatayo ng The Capital Towers sa kanilang lugar.
Sinuportahan ng 15 barangay councils ang pagtatayo ng condo project sa kanilang lugar dahil malaking tulong ang ibabayad nitong P20 milyon sa real estate taxes para sa barangay na magagamit nila sa maraming proyekto.
Inirereklamo ng mga residente sa 2 exclusive village na kapag naitayo ang condo sa kanilang lugar ay mahaharangan na ang pagpasok ng hangin, posibleng maging sanhi ng pagbaha, trapiko at kawalan ng suplay ng tubig.
Nilinaw naman ng Ong and Ong Architecs Pte. Limited na walang katotohanan ang pangamba ng mga residente ng 2 subdivisions dahil sinisiguro nilang magkakaroon ng espasyo para makapasok ang sikat ng araw at hangin.
Wika pa din ng DCCD Engineering Corporation, wala ring katotohanan na hihina ang supply ng tubig sa nasabing lugar dahil may sariling underground storage tank ang proyekto.