Sa isinumiteng 7-pahinang reply ni Atty. Virgilio Pablico, legal officer ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group, dapat isulong ng DOJ ang pagsasampa ng kasong murder, frustrated murder at destruction to property laban kay Recto.
Aniya, inamin ni Recto na hindi maganda ang political relationship nila ng gobernador bukod sa ginawa nitong pagsasampa ng mga kaso laban kay Sanchez sa Ombudsman.
Wika pa ni Pablico, hindi na kailangan ang direktang ebidensiya para patunayan na nagsabwatan sina Recto at Atty. Christopher Belmonte at iba pang miyembro ng Magdalo soldiers upang ipapatay si Sanchez.
Sabi pa ng PNP-CIDG legal chief, tinukoy ni 1st Lt. Patricio Bumindang na si Recto ang financier sa planong asasinasyon laban kay Sanchez sa isinagawa nilang pulong sa La Vista, Quezon City. (Grace dela Cruz)