Ayon kay Sec. Defensor, makatutulong na maayos ang hidwaan sa pagitan ng oposisyon at administrasyon kung papayagan na si Estrada na makabalik muna sa kanilang tahanan upang makatulong sa pag-aalaga ng may sakit niyang ina na si Doña Mary.
Binigyang-diin ng kalihim na ang manipestasyon ng hindi pagtutol ni Prosecutor Dennis Villa-Ignacio ay palatandaang mas magiging madali ang proseso ng pagpayag sa dating Pangulo na makalabas sa kanyang resthouse sa Tanay, Rizal.
Sakaling katigan ng anti-graft court, umapela na naman si Defensor sa dating Pangulo na gamitin ang pagkakataon na maging bahagi ng pagsisikap na pag-abutin ang kamay ng oposisyon at administrasyon.
Kaugnay nito, kinumpirma ni Defensor ang pansamantalang pagpapalaya sa dating Pangulo ay matagal na niyang hinihiling kahit noong wala pa siyang planong kumandidato.
Nilinaw ng kalihim na hindi nagbabago ang kanyang posisyon sa pagkakaloob ng temporary liberty kay Mr. Estrada dahil naniniwala siyang ito na lamang missing link o magsisilbing-daan upang mabawasan ang tensiyon sa pulitika sa bansa. (Doris Franche)