^

Bansa

‘Political war’ sa Cavite napigilan

-
Napigilan ang posibleng pagsiklab ng karahasan sa lalawigan ng Cavite matapos magkasundo na sina Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., Cavite Governor Irineo ‘Ayong’ Maliksi at Vice-Gov. Johnvic Remulla.

Ayon kay Revilla, siya na mismo ang nag-abot ng kamay sa kanyang mga political rivals partikular kay Gov. Maliksi para magkaroon sila ng pagkakasundo kasama ang pamilya Remulla upang isulong nila ang isang common agenda at platform para sa pag-unlad ng kanilang lalawigan.

Nagkasundo ang naturang mga pamilya na magkaroon na lamang ng unopposed unity ticket sa darating na eleksyon kung saan ay hindi na maglalagay ng kandidato ang pamilya Revilla at Remulla para sa gubernatorial at vice-gubernatorial race na ang ibig sabihin ay si Gov. Maliksi ay tatakbo na walang kalaban gayundin sa ibang munisipyo at lungsod sa Cavite. Si Maliksi ay nasa ikatlo at ikahuli nang termino.

Ang pagbabating ito ng tatlong higanteng pulitiko sa lalawigan ay resulta ng masinsinang pakikipag-usap at panunuyo ng senador na walang ibang hinangad kundi ang kapakanan ng mga kababayang Caviteño.

Kung matatandaan, nagkaroon ng mainit na pagpapalitan ng maaanghang na salita sina Maliksi at kampo ng mga Revilla dahil ibinibintang nito na ang senador ang nasa likod ng ipinalabas na suspensiyon sa gobernador.

Higit na naging mainit ang labanan sa pagitan ng mga Revilla at Maliksi nang makipagsanib puwersa ang pamilya ng mga Remulla sa mga Revilla clan.

Pero sa pinakahuling kaganapan sa Cavite kahapon, masayang ibinalita ng senador na tapos na ang ‘gusot’ sa pagitan nila ng mga Maliksi.

"It was a very tough process to undergo since admittedly, all three of us have political stakes in the province. But as I have said before, a lot has already been wasted on politicking. Why waste time and opportunities in personal and political wrangling when in the summation of all things, we all but want to steer the wheel of progress for Cavite and its people," ani Revilla.

Dahil dito, wala nang makabubuwag pa sa alyansa ng mga Revilla, Remulla at Maliksi.

Magandang senyales na rin ito upang maiwasan na ang posibleng pagsiklab ng kaguluhan at karahasan na kadalasang nangyayari sa lalawigan tuwing araw ng halalan.

Pati mga local leaders ng tatlong malalaking pulitiko sa lalawigan ay natuwa at nakahinga nang maluwag sa nasabing pagbabati. Magandang pangitain umano ito para lalo pang mapaunlad ang buong lalawigan alang-alang na rin sa kapakanan ng mga Caviteño at kalapit bayan at lalawigan nito. (Rudy Andal)

CAVITE

CAVITE GOVERNOR IRINEO

JOHNVIC REMULLA

LALAWIGAN

MAGANDANG

MALIKSI

REMULLA

REVILLA

REVILLA JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with