Ayon kay AkSa president at labor leader Timoteo Aranjuez, na chairperson din ng Congress of Labor Organizations, matagal nang lumalaban ang kanilang grupo upang mabigyan ng sapat na sahod ang mga manggagawa subalit lumilitaw na hindi ito praktikal dahil marami pa rin sa mga kompanya ang hindi sumusunod sa ipinatutupad na labor standards kabilang na ang pagbibigay ng kontribusiyon sa SSS.
Sinabi ni Aranjuez na may regional wage boards naman na siyang mag-aasikaso sa mga kahilingan ng mga manggagawa para sa wage increase.
Bunga nito, isusulong ng AKSA ang pagbabawal sa labor contractualization, banning ng manpower pseudo-cooperatives na kabilang sa mga "labor-only contracting" sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Labor Code. (Doris Franche)