Disbarment vs Davide ibinasura
January 20, 2007 | 12:00am
Nagmistulang humina ang "powers" ng mga kaibigang duwende ni dating Malabon Regional Trial Court Judge Florentino Floro matapos na ibasura ng Korte Suprema ang disbarment case na isinampa nito laban kay retired Chief Justice Hilario Davide Jr. at 10 iba pa.
Sa resolution ng SC en banc, nabigo si Floro na magsumite ng matitibay na argumento at paliwanag upang pagbigyan ang apela nito.
Maliban kay Davide, abswelto rin sa disbarment sina retired SC Justice Bernardo Pardo, retired Court of appeals (CA) Justice Pedro Ramirez, dating Solicitor General Alfredo Benipayo, retired Asst. Court Administrator at SC Public Information chief Atty. Ismael Khan at iba pang mga tauhan ng SC at mga abogado.
Si Davide at 10 iba pa ay kinasuhan ni Floro dahil sa umanoy pagsasabwatan umano ng mga ito upang patawan siya ng preventive suspension.
Noong Marso 2006 ay tuluyan nang sinibak sa serbisyo si Floro matapos lumabas sa medical findings na may sakit itong psychosis. Sinabi ng SC na ang hindi maayos na kondisyon sa pag-iisip ni Floro ay hindi tumutugma para sa posisyon ng isang Hukom.
Si Floro ay una nang inireklamo dahil sa paniniwala nito sa mga dwende at espiritu na siya umanong gumagabay sa kanya sa mga inilalabas niyang desisyon. (Grace dela cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended