"The government is determined to finish the job with a hand of steel against evil," pahayag ni Pangulong Arroyo sa mediamen sa Camp Aguinaldo.
Pinuri ng Pangulo ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa panibagong tagumpay nila sa paglaban sa terorismo kaugnay ng pagkakapatay sa lider ng Abu na si Abu Solaiman.
Kahapon ay pinapurihan din ni US Ambassador Kristie Kenny ang pagkakapatay ng tropa ng militar kay Solaiman.
"Let me first congratulate the AFP, Ive seen them in Jolo and they should make all of us very proud they are a tremendous fighting force and they are extraordinary things in capturing some of the worlds most deadly terrorists. So our strongest congratulations to the brave men and women of the Armed Forces of the Philippines for their fight under tremendous leadership," sabi ni Kenney.
Kinilala ni Kenney ang kakayahan at talino ng mga sundalong Pinoy sa pagkakapatay sa lider ng ASG.
Kaugnay nito, inihayag ni AFP Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon na ang pagkakapaslang kay Solaiman ay produkto ng RP-US Balikatan exercises, ng mga natamong benepisyo sa joint military war games at sa mga naiwang modernong kagamitang pandigma ng US troops. (Lilia Tolentino/Joy Cantos)