Davide binalaan ni Biazon

Nagbabala kahapon si Sen. Rodolfo Biazon kay newly-appointed UN Ambassador Hilario Davide Jr. na baka sapitin nito ang naging karanasan ni US Ambassador John Howard sa United Nations (UN) dahil sa kawalan ng kumpirmasyon mula sa Commission on Appointments (CA).

Sinabi ni Sen. Biazon, dapat ay hintayin na lamang muna ni Davide ang kumpirmasyon nito sa CA bago niya gampanan ang kanyang tungkulin bilang permanent ambassador ng bansa sa UN.

Aniya, mas nakakahiya kung nakaupo na siya sa kanyang UN post tapos ay ibinasura ng CA ang kanyang kumpirmasyon tulad ng nangyari kay Howard ng Estados Unidos.

Sa panig naman ni Sen. Loi Estrada, isang pagbabayad-utang ni Pangulong Arroyo ang pagtatalaga kay Davide sa UN post kahit hindi pa ito nakumpirma ng CA ng magbakasyon ang Kongreso noong Disyembre 22.

Wika pa ni Sen. Loi, ang pagtatalaga kay Davide sa UN post ay bilang utang na loob ni Mrs. Arroyo sa ginampanang papel ng dating Chief Justice noong 2001 nang panumpain bilang acting president si Arroyo. (Rudy Andal) 

Show comments