Angara laglag sa senatorial ng oposisyon
January 10, 2007 | 12:00am
Ibinunyag ni Sen. Panfilo Lacson na hindi kabilang si Sen. Edgardo Angara ng Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP) sa senatorial line-up ng United Opposition (UNO) at maging si Lt. Senior Grade Antonio Trillanes ay hindi din nababanggit kahit nagpahatid na ito ng pagnanais na tumakbo bilang senador.
Buo na halos ang tentative line-up ng UNO at kabilang dito si dating Sen. Gregorio Honasan. Sabi ni Lacson, sobra-sobra kasi ang kandidato ng oposisyon kumpara sa administrasyon na hindi makabuo ng ticket dahil hanggang ngayon ay si Presidential Chief of Staff Mike Defensor pa lamang ang kumpirmadong tatakbo sa darating na senatorial race. Malalaman ang pinal na senatorial slate ng oposisyon sa sandaling maghain na sila ng kanilang certificate of candidacy sa susunod na buwan. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest