NP di papa-under sa Lakas-KAMPI
January 9, 2007 | 12:00am
Tinuldukan ni Senate President Manuel Villar Jr. ang panukalang tumakbo ang Nationalista Party (NP) sa ilalim ng koalisyon ng Lakas-KAMPI na partido ng administrasyon.Ayon kay Sen. Villar, na siya rin pangulo ng NP, hindi magpapa-under ang kanyang partido dahil may sarili rin itong prinsipyo kahit maliit na partido lamang pero handa naman itong makipag-alyansa sa iba pang partido.
"Hindi na kami magpapa-under sa ibang partido na may sariling paninindigan. Hindi kami magpapa-under ngayon halimbawa sa Lakas, kampi-Lakas at iba pa dahil kami ay may sariling prinsipyo at kung ano ang maganda para sa aming partido maski kami ay maliit ay iyon ang aming gagawin" paliwanag ni Villar.
Inamin din ni Villar na wala din siyang nakikitang problema sakaling magkaroon ng 3rd force, at iginiit nito na ang NP ay may kakayahang tumayong mag-isa dahil may mga nakalinya na rin silang mga kandidato sa lokal na level.
Bukod kay Villar, matunog din ang pangalan ni Sen. Ralph Recto, at Rep. Allan Peter Cayetano na siyang bubuo sa line-up ng NP. Sina Villar at Cayetano ay inendorso ng kampo ni dating Pangulong Estrada.
Sinabi ni Villar na ang negosasyon dito ay partido, pero kung nais naman ng kanyang kapartido na tumakbo sa ilalim ng administrasyon ay wala naman daw siyang magagawa.
Iginiit din ni Villar na masyado pang maaga para magdeklara at malaki din ang magagastos kung maagap silang magpapahayag ng kanilang kandidatura.
Aniya, uunahin muna nila ang pagpasa ng mga panukalang batas bago magsagawa ng kanilang mga pahayag sa pagtakbo.
Dinagdag pa ni Villar na wala din siyang nakikitang problema kung makakasama ang partido ng dating Pangulo, dahil pinapairal naman niya sa NP ang konsultasyon sa kanilang grupo. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended