^

Bansa

10 JIs namataan sa Sulu

-
May 10 miyembro ng Jemaah Islamiyah (JI) terrorist ang namonitor na nagtatago sa lalawigan ng Sulu.

Ito ang inihayag kahapon ni Western Mindanao Command (WESMINCOM) Commander L/Gen. Eugenio Cedo sa isang ambush interview.

Sinabi ni Cedo na ang nasabing mga JI terrorist ay nanggaling umano sa Cotabato at ngayo’y nagtatago sa nasabing lalawigan, kaya sinelyo na ng militar ang kapaligiran ng Sulu.

Ang nabanggit na JIs ay bahagi ng unang napaulat na 30 dayuhang terorista na namataan sa isang ilang na bahagi ng Central Mindanao, na pinaniwalaan nagsasanay ng mga bagong kasaping bandido sa paggawa ng mga high explosive bombs at mga kasanayan sa terorismo.

Base sa intelligence findings, lumitaw na noong 2005, mula sa lalawigan ng Cotabato ay nakarating sa Sulu ang naturang 10 JIs upang suportahan ang ASGs na tila nababalaho na sanhi ng ginagawang mainitang opensiba ng militar laban sa kanila. (Cesar Cezar/Joy Cantos)

CEDO

CENTRAL MINDANAO

CESAR CEZAR

COMMANDER L

COTABATO

EUGENIO CEDO

JEMAAH ISLAMIYAH

JOY CANTOS

WESTERN MINDANAO COMMAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with