Ka-Tiket Ni Ali Atienza: Bagatsing, tatakbong bise ng Maynila
January 6, 2007 | 12:00am
Kinumpirma ni Manila Deputy Mayor Don Bagatsing na siya ang tatakbo bilang vice mayor ng Maynila ka-tiket ni Manila Sport Council (MASCO) chairman Ali Atienza na tatakbo naman bilang alkalde ng lungsod.
Ito na ang pangalawang beses na pagtakbo ni Bagatsing bilang bise alkalde ng lungsod matapos itong maging running mate ni Manila Mayor Lito Atienza noong 2004 election sa ilalim ng Liberal Party.
Si Bagatsing ay mula sa angkan ng mga pulitiko sa Sampaloc, Maynila at base sa survey ng Philippine Social research center (PSRC), siya ngayon ang nanguguna sa mga kandidato sa pagka-bise na may 26%, na sinundan nina District 1 Rep. Banzai Nieva, Manila Councilors Isko Moreno at Robert Ortega.
Dahil dito, inaasahan na magiging maganda ang labanan hindi lamang sa pagka-mayor kundi maging sa bise.
Matatandaan na lumutang ang pangalan ni peoples champ Manny "Pacman" Pacquiao na siyang tatakbo bilang running mate ni Ali Atienza subalit mariin itong pinabulaanan ng una.
Gayunman, nagpahayag si Pacquiao ng buong suporta sa kandidatura ng huli. (Gemma Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am