^

Bansa

Sa pagbili ng gatas, pagkain, damit, gamot ng anak: Discount sa single parents

- Ni Malou Escudero -
Isinusulong ngayon ni Gabriela Rep. Liza Maza sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang isang panukala na naglalayong mabigyan ng mas maraming benepisyo ang mga ‘single parents’.

Nais ni Maza na maamiyendahan ang Solo Parents Welfare Act upang madagdagan ang mga benepisyong natatanggap ng mga magulang na mag-isang nag-aalaga sa kanilang anak.

Sa kasalukuyan, ipinatutupad na ang pagbibigay ng pitong araw na leave sa la- hat ng single parents maliban pa sa mga regular na leave privileges na ipinagkakaloob sa mga empleyado.

Sinabi ni Maza na kailangang tulungan ng gobyerno ang mga single parent na solo lamang na nagtataguyod ng kanilang anak.

Nais ni Maza na mabigyan ng 10-porsiyentong discount ang mga single parents sa kanilang pamimili ng damit para sa kanilang anak mula sanggol ito hanggang dalawang taong gulang.

Labing limang porsiyentong discount naman ang nais ding ibigay ni Maza para sa pagbili ng gatas ng bata, pagkain, at food supplements at 15% discount sa pagbili ng gamot at iba pang medical supplies.

Sa sandaling maging isang ganap na batas, ang mga kompanya o indibidwal na hindi magbibigay ng diskuwento ay pag- mumultahin ng P50,000 sa unang offense, P100,000 sa ikalawa at P200,000 at pagpapasara ng kompanya sa ikatlong paglabag.  

GABRIELA REP

ISINUSULONG

KONGRESO

LABING

LIZA MAZA

MABABANG KAPULUNGAN

MAZA

SINABI

SOLO PARENTS WELFARE ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with