Senior citizens nagpasalamat kay Recom

Nagpahayag kahapon ng pasasalamat ang mahigit 2,000 senior citizens kay Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri dahil sa pagbibigay sa kanila ng sapat na atensiyon at pangangalinga nang bigyan sila ng pagkakataon na pansamantalang pamunuan ng isang linggo ang bawat departamento sa buong city hall sa pagseselebra ng "Elderly Week" kamakailan. Nagbigay din ang mga ito ng 200-pages compilation ng mga mabubuting nagawa ni Echiverri bilang pagkilala sa mga magagandang nagawa ng alkalde sa kanila at sa buong lungsod. Sinabi naman ni Echiverri na ang lokal na pamahalaan sa kanyang pamamahala ay palaging magbibigay ng importansiya na naglalayong maprotektahan ang karapatan ng mga senior citizens."It is also very important to honor the senior citizens of the city as they have also been very instrumental — during their times — in the development and progress of what we now see as a very progressive and reformed Caloocan ," anang alkalde.

Show comments