^

Bansa

P3,000 wage hike sa gov’t workers giit

-
Patuloy na igigiit ng mga militanteng mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpasa ng panukalang P3,000 across-the-board wage hike sa mga empleyado ng gobyerno dahil hindi umano sapat ang 10 porsiyentong increase na gustong isulong ng Malacañang.

Ayon kay Bayan Muna Partylist Rep. Joel Virador, tanging sa mga top-level government executives lamang papabor ang 10% increase sa sahod at hindi sa mga empleyadong kumikita lamang ng mahigit sa P5,000 isang buwan.

Kung matutuloy ito, mahigit P500 lamang ang madadagdag sa sahod ng Salary Grade 1 na empleyado ng gobyerno na kumikita ng P5,082 kada buwan, na sobrang malayo sa P16,900 monthly cost of living na dapat kitain ng isang empleyado.

Ayon pa kay Virador, ang Government Compensation and Classification Act (GCA) ay maliwanag na paborable lamang sa mga top-level government executives at hindi sa mga rank and file employees na nasa clerical, administrative, technical at iba pang posisyon na may lower salary grades. (Malou Escudero)

AYON

BAYAN MUNA PARTYLIST REP

GOVERNMENT COMPENSATION AND CLASSIFICATION ACT

JOEL VIRADOR

KONGRESO

MABABANG KAPULUNGAN

MALACA

MALOU ESCUDERO

SALARY GRADE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with