Gaya ng nakaraang Pasko, siyam na oras din ang ibinigay na "pass" kay Estrada para makapiling ang kanyang 102-anyos na ina at pamilya.
"Hence the court hereby permits the accused former President to spend New Years Day in his mothers residence in Kennedy St., Greenhills, San Juan and no other place from 8:00 oclock in the morning until 5:00 oclock in the afternoon of January 1, 2007," anang desisyon.
Ang orihinal na kahilingan ng kampo ni Estrada ay manatili ang dating lider sa San Juan mula sa hapon ng Dis. 31, 2006 at bumalik sa resthouse sa umaga ng Enero 2, 2007, pero tinutulan ito ng prosekusyon.
Nais din ng PNP na limitahan lamang ng korte ang araw nang paglabas ni Estrada dahil kulang ang kanilang tauhan para sa paghahanda sa ika-12th ASEAN Summit na isasagawa sa ikalawang linggo ng Enero 2007 sa Cebu. (Malou Escudero)