Sinabi ni Villanueva na dapat samantalahin ng mga botante ang pagkakataon na makaboto dahil isa rin itong obligasyon.
Tinatayang aabot sa 49 milyon ang mga botante sa 310 presinto sa bansa.
Base sa Republic Act No. 8189 o Continuing Registration Act of 1996, hindi na maaaring magkaroon ng registration sa loob ng 120 araw bago idaos ang regular na halalan kaya hindi na i-extend ng Comelec ang registration para sa mga boboto.
Ang election period ay magsisimula sa Enero 15, 2007.(Malou Escudero)