NPA magtataas daw ng permit-to-campaign fees
December 25, 2006 | 12:00am
Nagpaplano umano ang New Peoples Army (NPA) na magtaas ng kanilang singil para sa permit-to-campaign fees sa mga pulitikong kandidato para sa darating na 2007 elections.
Ayon kay Jesuit priest Father Romeo Intengan ng Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas, nagpapatunay lamang ito na ang nasabing rebeldeng grupo ay hindi isang revolutionary movement kundi isang big-time extortion gang na nagsasagawa ng kanilang operasyon sa bansa.
Nakatakdang magdiwang ng kanilang anibersaryo bukas ang NPA subalit tila mananatili na lamang umano ang imahe nito bilang isang bandido na sangkot sa extortion, robbery at iba pang uri ng kriminalidad.
Naniniwala rin si Intengan na hindi magdadalawang isip ang mga rebelde na pumatay para sa pera dahil nais ng mga ito na paigtingin ang extortion activities at makalikom ng pera upang makabili ng matataas na kalibre ng baril.
Batay sa dokumentong nakalap ng militar, lumilitaw na ang mga NPA ay humihingi ng tatlong hanggang 10 porsiyento mula sa pondo ng mga kandidato kapalit ng kanilang permit upang makapagkampanya sa mga lugar ng NPA sa susunod na taon. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am