^

Bansa

Injunction ng Mla. RTC vs textbook hinarang ng SC

-
Hinarang ng Korte Suprema ang injunction na inisyu ng Manila Regional Trial Court (RTC) laban sa kontrobersiyal na textbook project ng gobyerno at Vibal Publishing House na pinondohan ng World Bank.

Sa dalawang pahinang resolusyon ng SC en banc, nagpalabas ito ng temporary restraining order (TRO) upang mapigilan ang implementasyon ng injunction order ni Manila Judge Mayra Garcia-Fernandez.

Noong Dis. 4, 2006 ay nag-isyu ng preliminary injunction si Fernandez sa kasong idinulog ng Kolonwel, isa sa mga natalong bidders sa Second Social Expenditure Management Project (SEMP2) ng World Bank na layong makabili ng mga libro sa Science, English at Social Studies para sa mga mag-aaral sa elementarya at high school.

Kapwa naman iginiit ng Vibal at ng Office of the Solicitor General (OSG) sa petisyong iniakyat sa Korte Suprema na maanomalya at may iregularidad sa naging kautusan ni Fernandez.

Binigyang-diin nila na hindi man lamang ito nagsagawa ng mga pagdinig upang marinig ang panig ng kabilang kampo bagkus ay agad na nag-isyu ng permanent injunction pabor sa Kolonwel.

Kasabay naman ng TRO na inilabas ng Mataas na Hukuman ay pinagkokomento rin nito ang Kolonwel at si Fernandez upang ipaliwanag ang kanilang panig.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang textbook project nang ibunyag ni Sen. Panfilo Lacson ang ukol sa umano’y maanomalyang pagkapanalo ng Vibal Publishing sa bidding. (Ludy Bermudo)

FERNANDEZ

KOLONWEL

KORTE SUPREMA

LUDY BERMUDO

MANILA JUDGE MAYRA GARCIA-FERNANDEZ

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

NOONG DIS

OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL

PANFILO LACSON

WORLD BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with