Sen. Loi nag-goodbye na sa Senado
December 22, 2006 | 12:00am
Nagpahiwatig na ng pamamaalam sa Senado si Sen. Loi Estrada kung saan sa ginanap na Christmas party ng senate media kamakalawa ng gabi ay kanyang sinabi na posibleng huling Christmas party na niya ito kasama ang mga mamamahayag.
Ayon kay Sen. Loi, tanging si dating Pangulong Erap Estrada lamang ang magdedesisyon kung dapat pa siyang muling tumakbo sa darating na 2007 senatorial race.
Iginiit naman nina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Juan Ponce Enrile na hindi ito ang huling pagdiriwang ng Pasko ni Loi sa Senado dahil ito pa rin ang tatakbo sa kanilang pamilya.
Matatandaang nagpahiwatig si San Juan Mayor JV Ejercito na siya na ang posibleng pumalit sa slot ni Sen. Loi sa senatorial line-up ng oposisyon.
Naniniwala naman si Jinggoy na mas kailangan si Mayor JV ng San Juan bukod sa nakakaisang termino pa lamang ito sa pagiging alkalde habang marami pang programa ang kanyang ina na kailangang ituloy sa larangan ng lehislatura.
Umaasa naman si Jinggoy na pagbibigyan ng kanyang ama na ituloy ni Sen. Loi ang kanyang mga legislative program sa pamamagitan ng pagtakbong muli sa darating na halalan. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended