^

Bansa

Eroplano sumadsad sa runway

-
Sampung Korean nationals at limang crew members ng isang domestic aircraft ang nakaligtas sa tiyak na kamatayan matapos sumadsad ang sinasakyan nilang eroplano sa Manila Domestic Airport (MDA) kahapon.

Napag-alaman sa Manila Control Tower na ang eroplanong SeaAir Donier 328 aircraft ay galing sa Caticlan, Aklan.

Gayunman, binigyan ng clearance ng control tower ang pilotong si Capt. Narciso Gratillo para lumapag sa MDA runway fox 4 ng dakong 12:45 ng tanghali.

Habang bumababa sa runway ay isang malakas na hangin ang sumalpok sa eroplano kaya sumadsad ito. Nagkaroon ng slight damage sa kanang pakpak at strobe light ang eroplano.

Bagaman walang iniulat na nasaktan sa nasabing insidente ay natakot at inatake ng nerbiyos sa pangyayari. (Butch Quejada)

AKLAN

BAGAMAN

BUTCH QUEJADA

CAPT

CATICLAN

DONIER

MANILA CONTROL TOWER

MANILA DOMESTIC AIRPORT

NARCISO GRATILLO

SAMPUNG KOREAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with