^

Bansa

Bahay ng Abra mayor niratrat, sinunog pa

-
Hindi pa man natatapos ang imbestigasyon sa pagpatay kay Abra Rep. Luis Bersamin ay bahay naman ng isang alkalde sa naturang lalawigan ang pinuntirya matapos paulanan ng bala at tinangkang sunugin ng hindi nakikilalang mga armadong lalaki, kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa report ni Cordillera Police Director C/Supt. Raul Gonzales, dakong 12:30 ng madaling araw ng biglang sumulpot sa bakuran ni Dolores Mayor Albert Guzman ang mga suspek at binuhusan ng gasolina ang pintuan ng bahay nito na nasa Bgy. Zone 7, Bangued. Hindi pa nakuntento ay tinadtad ng bala ang bahay. Masuwerte namang walang napahamak dahil walang tao sa naturang resthouse ni Guzman.

Si Guzman ay sinasabing bayaw at kilalang kaalyado ni Abra Vice Gov. Vicente Valera, na kalaban naman umano sa pulitika ng pinaslang na si Bersamin.

Iginiit naman ni Valera na hindi niya kalaban sa pulitika si Bersamin kahit magkaiba sila ng partido.

Aniya, posibleng iisa lamang ang grupo na responsable sa pamamaril sa bahay ni Guzman at pagpatay kay Bersamin. Ipinaliwanag ni Valera na bago maganap ang pamamaslang kay Bersamin nakatanggap siya ng banta na susunugin ang kanilang  ancestral house sa Abra.

Sa kabila nito, hindi naman inaalis ng pulisya ang posibilidad na kagagawan ito ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) dahil ang nasabing lugar ay kilalang balwarte ng komunistang grupo. (Joy Cantos/Doris Franche)

vuukle comment

ABRA REP

ABRA VICE GOV

BERSAMIN

CORDILLERA POLICE DIRECTOR C

DOLORES MAYOR ALBERT GUZMAN

DORIS FRANCHE

GUZMAN

JOY CANTOS

LUIS BERSAMIN

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with