Hiniling ni de Venecia sa 231 miyembro ng Kamara na magbigay ng tig-P5,000 upang mabuo ang mahigit sa P1 milyon.
Nangako si de Venecia na magbibigay ng P100,000bilang panimula o seed money para sa reward.Kahapon ng umaga ay dinala ang labi ni Bersamin sa Kamara at isang necrological service ang inalay ng kanyang mga kasamahang kongresista na nakasuot ng arm bands. "We are very thankful to Speaker de Venecia, the President and to PNP Director General Oscar Calderonbecause they really give special attention to thiscase," pahayag ni Charie, panganay na anak ni Bersamin.
Matatanggap lamang umano nila ang pagkamatay ng kanilang ama kung maaresto ang pumaslang at mastermind dito.
Kinansela naman ng Kamara ang nakatakdang hearing ng committee on constitutional amendments para mabigyandaan ang necrological service.
Si Bersamin na isang second-term congressman ay miyembro ng Kabalikat ng Malayang Pilipino (Kampi) ni Pangulong Arroyo.
Sa Huwebes ay dadalhin na ang mga labi ni Bersamin sa Abra kung saan ito ililibing pagkatapos ng Pasko.
Binigyan-diin naman ni PNP Chief Director Gen. OscarCalderon na ang pagkakaroon ng mas malaking pabuya obounty ay magreresulta hindi lamang sa pagkakaarestong mga killer kundi maging sa mastermind nang pagpatay.
Si Bersamin ay binaril noong Sabado ng hapon habangpapalabas ng Mt. Carmel Church sa New Manila, QuezonCity. Dumalo ito bilang ninong sa kasal ng kanyang pamangkin na si Pia, anak ni Court of Appeals Justice Lucas Bersamin.
Pulitika ang pinaniniwalaang nasa likod nang pagpataydahil bago pinaslang ang mambabatas ay nai-ulat naplano itong kumandidatong governor ng Abra.