.5-M sali sa prayer rally
December 16, 2006 | 12:00am
Kalahating milyong miyembro at kasapi ng grupong El Shaddai at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang inaasahang sasama bukas sa malakihang prayer rally kontra sa Constitutional Assembly sa Quirino grandstand.
Sa press conference kahapon nina CBCP spokesman Msgr. Pedro Quitorio, CBCP Sec. General Msgr. Juanito Figura at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) chairman Henrietta de Villa, siniguro nila sa publiko na magiging matahimik at mapayapa ang kanilang pagtitipon.
Wala umanong papahintulutan sa kanilang mga miyembro na magdala ng banner at streamer na naglalaman ng mga pagbatikos sa gobyerno, sa halip ay mga panalangin ang kanilang dalang baon para sa minimithing kapayapaan at pagkakaisa ng mga nagkawatak-watak na mga Pilipino.
Bandang alas-2 ng hapon ang pagtitipon at dakong alas-3 sisimulan ang programa sa pamamagitan ng pambungad na panalangin at pagbati mula kay CBCP Pres. Angel Lagdameo.
Alas-4 ng hapon ay pangungunahan naman ni Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales ang isang misa kung saan ito rin ang magho-homily at alas-6 ng gabi ay isasagawa ang isang candle lighting.
Ang vice president for academic affairs naman ng De La Salle Araneta University ang maglalahad ng layunin ng nasabing okasyon.
Nilinaw ni de Villa at mga opisyal ng CBCP na kung may mga pulitiko mang dadalo sa prayer rally ay hindi nila bibigyan ng pagkakataon ang mga ito na magsalita sa entablado. (Gemma Amargo-Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am