Sinabi ni MPD officer-in-charge Danilo Abarsoza, nakaalerto na ang kanilang buong puwersa kung saan magbabantay ang daan-daang libong miyembro ng Civil Disturbance Management Unit katulong ang mga tauhan ng National Region Police Office (NCR PO) at mga tauhan na hinugot sa mga istasyon ng MPD.
Nakaalerto rin ang mga tauhan ng Special Weapons and Tactics Unit, Explosive and Ordnance Division (EOD), Mobile Patrol unit at Intelligence Division upang matiyak na maiging mapayapa ang naturang okasyon.
Ang paghihigpit ay matapos na ihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na posibleng atakihin ang naturang pagtitipon ng mga terorista at maaaring matulad sa Plaza Miranda bombing.
Magkakaroon rin ng traffic re-routing scheme ang Traffic Bureau ng MPD para makatiyak na magiging maayos ang daloy ng trapiko.
Samantala, itinaas na rin kahapon ng AFP-National Capital Region ang buong puwersa nito sa Metro Manila upang tumulong sa pulisya sa pagpapatupad ng security measures sa idaraos na malawakang prayer rally kontra Chacha.
Una nang isinailalim ng PNP sa full alert status ang buong puwersa nito. (Danilo Garcia/Joy Cantos)