^

Bansa

Judge Pozon gumagawa ng problema — DOJ

-
Gumagawa umano ng problema si Makati Regional Trial Court Judge Benjamin Pozon dahil sa hindi nito agarang pag-aksiyon sa kahilingan ng US Embassy na makuha ang custody ng Subic rape convicted na si L/Cpl. Daniel Smith.

Ito ang ipinahayag ni Justice Sec. Raul Gonzalez sa kanyang programa sa radyo, hinggil sa pagbantulot ni Judge Pozon sa paglilipat kay Smith.

Ayon pa sa kalihim, nagpi-feeling hari at nagpapapansin lamang umano si Judge Pozon matapos itong makakuha ng mga papuri nang desisyunan ang kaso pabor sa biktimang si Nicole.

Naniniwala si Gonzalez na hindi na kailangan pang idaan sa hearing ang inindorsong note verbale ng US government dahil malinaw na isinasaad umano ng Visiting Forces Agreement (VFA) na maaaring ibalik at may karapatan sa custody ang US sa isang akusadong katulad ni Smith hanggat may proceedings pang isinasagawa at hindi pa naisasapinal ang hatol.

Inaasahan naman ngayong araw ay isasagawa ang pagdinig upang madetermina kung dapat na ibigay na sa US government ang kustodiya kay Smith. (Ludy Bermudo)

AYON

DANIEL SMITH

GONZALEZ

GUMAGAWA

JUDGE POZON

JUSTICE SEC

LUDY BERMUDO

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT JUDGE BENJAMIN POZON

RAUL GONZALEZ

VISITING FORCES AGREEMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with