^

Bansa

JDV binastos sa presscon

- Ni Malou Escudero -
Mistulang nababoy kahapon ang press conference ni House Speaker Jose de Venecia na dinaluhan ng nasa 30 kongresista nang iskandaluhin ito ni anti-government group Spokesman  Renato Constantino na nagsisigaw matapos na magpakilalang isang pribadong indibidwal.

Katatapos lamang basahin ni de Venecia ang kanyang inihandang statement kaugnay sa panawagan sa Senado na isulong ang Constitutional Convention, inihayag nitong "open" na para magtanong ang media, pero agad na tumayo si Constantino at pinagsisigawan ang Speaker.

"You raped the constitution and now you’re changing the rules!" sigaw ni Constantino.

Sinabi ni Constantino na bagaman at hindi siya miyembro ng media, nagtungo umano ito sa press conference ni de Venecia upang ihayag ang kaniyang damdamin dahil walang kahihiyan ang mga kongresista sa pagsusulong nilang baguhin ang Konstitusyon.

Habang itinutulak palabas ng kuwarto ng  mga security si Constantino, isang Vic Agustin, na kolumnista ng Philippine Daily Inquirer ang nagsaboy ng isang basong tubig sa mukha nito.

Hindi pa nakuntento, muling sinabuyan ng tubig ni Agustin ang nagwawalang si Constantino, pero nabitawan ng una ang hawak na baso at natamaan sa may sentido si Dennis Geron, reporter ng RMN News Manila.

Nagkahamunan pa sina Constantino at Agustin pero hindi naman nagpang-abot dahil nailayo kaagad ng mga security si Constantino na nakababatang kapatid umano ni Katrina Constantino-David, Chairperson ng Civil Service Commission.

vuukle comment

AGUSTIN

CIVIL SERVICE COMMISSION

CONSTANTINO

CONSTITUTIONAL CONVENTION

DENNIS GERON

HOUSE SPEAKER JOSE

KATRINA CONSTANTINO-DAVID

NEWS MANILA

PHILIPPINE DAILY INQUIRER

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with