‘Wag maging emosyonal

Sa gitna nang nagbabantang malawakang kilos protesta ng iba’t ibang sektor na tutol sa Charter change, nanawagan kahapon ang ilang maka-administrasyong kongresista sa mga anti-Chacha na huwag maging emosyonal.

Umapela rin ang mga maka-administrasyong kongresista sa iba’t ibang religious groups na tutol sa Chacha na gumamit ng mahinahong pangungusap at huwag gamitin ang kalamidad sa Bicol upang tuligsahin ang mga kongresista.

Ayon kay House Majority Floor Leader Prospero Nograles, bagaman at ang Kongreso ang magsusulong ng pag-amiyenda sa 1987 Constitution, isusumite pa rin naman ito sa taumbayan sa pamamagitan ng isang plebesito.

"Let’s not be emotional about this issue. [Let’s] submit it to the people," ani Nograles.

Ayon pa kay Nograles, dapat ay sa pamamagitan ng eleksiyon at hindi mga surveys ang gawing basehan sa pagbabago sa gobyerno at sa pagpili ng mga public officials. (Malou Escudero)

Show comments