Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nagsampa na ang US Embassy ng Notice of Appeal kung saan binabanggit ang nakasaad sa Article V paragraph 6 ng RP-US Visiting Forces Agreement na dapat nasa kustodya ng Amerika ang citizen nila hanggat hindi natatapos ang judicial proceedings kasama na ang pag-apela ng kaso.
Pero nilinaw ng DFA na dapat manggaling pa rin kay Makati RTC Judge Benjamin Pozon ang kautusan para ibalik si Smith sa custody ng US mula sa Makati City Jail.
Samantala, nagpalit ng abogado si Smith at kinuha ang serbisyo ni Atty. Jose Justiniano, ang abogado ng kanyang kasamahang si Keith Silkwood para ilaban ang kanyang apela sa Court of Appeals (CA).
Hindi naman masama ang loob ng dati niyang abogado na si Atty. Ricardo Diaz.
Ani Diaz, ng mahatulan si Smith ay natapos na rin ang kanyang serbisyo rito. (Rose Tesoro)