^

Bansa

Ibebentang laruan ngayong Pasko siguruhing ligtas — Sen. Villar

-
Nanawagan kahapon si Senate President Manuel Villar Jr. sa Department of Trade and Industry (DTI) na siguruhing ligtas ang mga laruang ibebenta sa mga shopping malls at iba pang tindahan ngayong Kapaskuhan.

Sinabi ni Sen. Villar, dapat lagyan din ng mga pabrika ng laruan ng safety warnings ang mga laruan na nakakalason o madaling mag-apoy upang hindi malagay sa peligro ang buhay ng mga bata.

"Ang mga regalong laruan ay dapat nagpapasaya sa mga bata at mga inaanak kapag Pasko kaya hindi dapat maging dahilan ito ng kanilang pagkakasakit o disgrasya lalo na ang mga laruang may maliliit na parte na hindi dapat nilalaro ng mga batang edad 3 taon pababa," dagdag pa ng mambabatas.

Isinusulong ni Villar ang senate bill 658 o Toy Safety Labelling Act kung saan ay nais nitong ideklarang hazardous substance at huwag payagang maibenta sa mga tindahan ang mga laruang walang safety labels. (Rudy Andal) 

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

ISINUSULONG

KAPASKUHAN

NANAWAGAN

PASKO

RUDY ANDAL

SENATE PRESIDENT MANUEL VILLAR JR.

SINABI

TOY SAFETY LABELLING ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with