Napatunayan ng Sandiganbayan Special Division na si Jaime Domingo ay nagbulsa ng may P50,000 mula sa infrastructure project na ini-award sa isang kontraktor noong 1993.
Nagpasya rin ang hukuman na ma-disqualify ang dating mayor sa paghawak ng anumang puwesto sa gobyerno kasabay ng kautusang dapat nitong ibalik sa gobyerno ang naibulsang P50,000.
Lumabas sa rekord na pinasimulan ng San Manuel ang isang pavement project na nagkakahalaga ng P520,000 noong 1993 at sub-contract na P50,000.
Pero natuklasan ng Commission on Audit na ang tsekeng inisyu para sa supplier ay nakapangalan kay Domingo.
Ikinatuwiran ng dating alkalde na nagkamali lamang ang municipal treasurer kaya naipangalan sa kanya ang tseke dahil ang isa mga supplier na D.P. Garcia Construction ay may pagkakautang sa kanyang asawa.
Hindi tinanggap ng Sandiganbayan ang dahilan ni Domingo at sinabing "lame excuse" lamang ito. (Malou Escudero)