"Nasa P4.8 bilyong pork ang matitipid ng pamahalaan kada taon kapag naipasara na ang mamahalin o expensive Senate at ang pagpasa ng batas ay gagawin lamang ng isang chamber legislature," ani House Majority Leader Prospero Nograles.
Ang bawat isang senador ay mayroong P200 million pork barrel funds kada taon. Katumbas aniya ito ng 10,667 classrooms o 2,400 kilometro ng farm-to-market roads o pambayad ng tuition, libro at board ng may 30,000 medical students sa loob ng isang taon.Sa kabila na mayroon lamang 23 miyembro, ang Senado ay may budget na P1.428 billion sa susunod na taon. Taliwas ito sa Kamara na may 234 members, na mayroon lamang P3 billion allocation.
Sa ilalim ng panukalang budget para sa 2007, ang senador ay may 300% allocation na mas mataas sa isang congressman at operating budget na 500% mas malaki kumpara sa kanila.Maging sa isyu ng bilang ng staffs ay mas malaki ang alokasyon ng mga senador kumpara sa kanila.
Batay sa official "Staffing Summary" ng gobyerno, sinabi ni Rep. Rodolfo Antonino na ang Senado ay maryoong 2,159 employees habang ang House ay mayroong 3,694.Nangangahulugan aniya na ang bawat senador ay mayroong 94 tauhan na nagtatrabaho para sa kanya habang ang isang congressman ay mayroon lamang 16.
Ang Senado ay mayroong 160 Director II at mas mataas na posisyon habang ang Kamara ay mayroon lamang 88.Sinabi pa ni Antonino na sa kabila ng ganitong ratio at mas maliit na budget kumpara sa Senado, mas maraming naipapasa ang Kamara kaysa Senado. (Malou Escudero)