^

Bansa

Pinay inabsuwelto sa ‘agimat’

-
Tuluyan nang pinawalang-sala ng Brunei authorities ang Pinay domestic helper na nabawian ng "agimat" na bala noong Oktubre.

Batay sa ulat kahapon ni Philippine Ambassador to Brunei Darrussalam Virginia Benavidez sa Department of Foreign Affairs (DFA), umalis na ng Brunei ang nasabing Pinay matapos na ma-isyuhan ito ng police clearance ng Brunei Police at tumungo ng Dubai, UAE upang ipagpatuloy ang kanyang naudlot na trabaho doon.

Magugunita na inaresto ang nasabing Pinay sa Brunei International Airport noong Oktubre 4 makaraang makuha sa kanyang wallet ang isang bala. Pinalaya lamang ang Pinay sa pagkakakulong makaraang i-atras ng public prosecutor ang kaso laban sa kanya.

Nakuha kasi ng Pinay ang simpatiya ng public prosecutor nang ikatwiran nito na isang "agimat" sa pagbubuntis ang bala na nabawi sa kanya. Ang nasabing agimat anya ang nagbigay-daan sa kanya upang siya ay mabuntis kaya iniingatan niya ito at nakalagay sa kanyang wallet.

Sinabi pa ng Pinay na isang matandang babaeng albularyo rito sa Pilipinas ang nagbigay sa kanya ng nasabing "agimat" noong taong 2002 noong siya ay hirap na mabuntis at magkaroon ng anak. (Rose Tamayo-Tesoro)

BATAY

BRUNEI

BRUNEI DARRUSSALAM VIRGINIA BENAVIDEZ

BRUNEI INTERNATIONAL AIRPORT

BRUNEI POLICE

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

OKTUBRE

PHILIPPINE AMBASSADOR

PINAY

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with