Sa kanyang House Bill 5791, nakapaloob ang multang mula P50,000 hanggang P100,000 at pagkabilanggong mula 6-10 taon ang naghihintay na parusa sa mga opisyal at empleyado ng mga ahensiya.
Ayon kay Carmona, kung hindi kikilos ang Kongreso at magpapasa ng batas ay baka wala nang matirang nurse sa mga ospital dahil mas pinipili pa ng mga ito ang mangibang-bansa.
"By a decade more of our hospitals, clinics and even the teaching staff of colleges and universities may be emptied of competent nurses if no appropriate measure is undertaken," ani Carmona.
Aminado si Carmona na isa ring doktor, na maging ang mga kasamahan niya sa dating propesyon ay nag-aaral na rin ng nursing upang makakuha ng trabaho sa ibang bansa.
Sa ilalim ng panukala, ang mga nurses na nais mag-abroad ay kailangang kumuha ng sertipikasyon mula sa Professional Regulation Commission (PRC) na magpapatunay na nagtrabaho sila ng 2-taon sa Pilipinas. (Malou Escudero)