^

Bansa

Power plants ng Napocor giit isapribado

-
Iginiit kahapon ni Sen. Sergio Osmeña III na isapribado na ang 70 percent ng mga power plants ng National Power Corporation (Napocor) upang magkaroon ng tunay na kompetisyon sa power sector at hindi ito mamanipula ng Power Sector Asset, Liabilities Management (PSALM) ang presyo ng kuryente.

Ikinagulat ni Sen. Osmeña sa ginanap na joint congressional power commission ang ulat ng Market Surveillance Committee kung saan sinasabing minomonopolyo ng PSALM ang presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) na pinapatakbo ng Philippine Electricity Market Corp. nang itaas nila ang presyo nito noong Agosto 26 hanggang Setyembre 25.

Idinagdag pa ng mambabatas, ang inaasahan ng mamamayan ay bababa ang presyo ng kuryente sa operasyon ng WESM subalit hindi ito naging makatotohanan matapos biglang itaas ang presyo ng kuryente.

Sabi pa ni Osmeña, ibinaba ng PSALM sa P2.788 per kwh ang presyo ng kuryente noong Hunyo sa Spot Market subalit biglang binawi agad ang lugi nito noong Agosto hanggang Setyembre nang itaas ang presyo sa P4.853 per kwh.

Aniya, mananatili ang monopolyo sa presyo ng kuryente dahil ang Napocor pa rin ang nagdedetermina ng presyo nito at mawawala lamang ito kung maisasakatuparan ang privatization sa mga power plants ng Napocor. (Rudy Andal)

AGOSTO

LIABILITIES MANAGEMENT

MARKET SURVEILLANCE COMMITTEE

NAPOCOR

NATIONAL POWER CORPORATION

OSME

PHILIPPINE ELECTRICITY MARKET CORP

POWER SECTOR ASSET

PRESYO

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with