^

Bansa

PHC humirit ng motion

-
Hiniling kahapon sa Korte Suprema ng Philcomsat Holdings Corp. (PHC) na repasuhin ang naging desisyon nito sa pagbibigay ng go-signal sa Senado na imbestigahan ang umano’y pagwawaldas ng pondo ng nasabing kumpanya.

Batay sa 74-pahinang mosyon, sinabi ng PHC, isang pribadong korporasyon, na dapat pag-aralang mabuti ang naging desisyon sa pagpayag na panghimasukan at imbestigahan ang financial records dahil hindi umano marapat at walang karapatan ang Senado rito, dahil hindi ito isang sequestered na kumpanya o public corporation.

Una nang ibinasura ng Mataas na Hukuman noong Okt. 17, 2006 ang petisyon ng PHC na humihiling na hadlangan ang isinasagawang Senate inquiry upang hindi malabag ng Senado ang right to privacy at right against self-incrimination ng kumpanya.

Nagpalabas pa ng orders of arrest ang Senado laban kina PHC directors Philip Brodett at Luis Lokin, Jr. dahil sa hindi pagdalo sa pagdinig ng Senado.

Nilinaw ng PHC na bilang isang pribadong kumpanya, hindi umano sila sakop ng hurisdiksiyon ng Senado at Code of Conduct and Ethical Standards of Public Officials and Employees at ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act. (Ludy Bermudo)

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

BATAY

CODE OF CONDUCT AND ETHICAL STANDARDS OF PUBLIC OFFICIALS AND EMPLOYEES

HINILING

KORTE SUPREMA

LUDY BERMUDO

LUIS LOKIN

PHILCOMSAT HOLDINGS CORP

PHILIP BRODETT

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with