Gringo di siningil ng mga doktor sa Asian Hospital
November 19, 2006 | 12:00am
Walang gastos ang arestadong si dating Senador Gregorio "Gringo" Honasan para sa kanyang medical at doctors professional fees sa Asian Hospital sa Alabang, Muntinlupa City.
Ito ang sinabi ni Dr. Francisco Altarejos, Orthopedic surgeon at hepe ng PNP-General Hospital.
Sinabi ni Altajeros na ang mga doctor na tumingin kay Honasan tulad ng mga Anesthesiologist at Internist ay hindi humingi ng professional fees mula sa dating senador.
"Ang naka-indicate doon sa hospital bill ng dating senador ay courtesy," pahayag pa ni Altajeros.
Sinabi pa ni Altarejos na wala naman siyang alam sa usapin ng bayarin sa laboratory exams at iba pang medical procedures dahil wala namang kahit isang sentimo na sinisingil ang ospital mula dito.
Una rito, sinabi ng Department of Interior and Local Government (DILG) na sila ang aako sa lahat ng gastusin tulad ng medical, hospital at doctors professional fees expenses ni Honasan.
Sinabi din ni Altajeros na maayos naman ang kasalukuyang kundisyon ng kalusugan ng Senador makaraang sumailalim sa operasyon sa paa nito.
Si Honasan ay nalipat sa headquarters ng PNP-Special Action Force (SAF) sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna makaraan ang dalawang araw na pamamalagi sa Asian Hospital. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended