Loren nag-walkout dahil kay GMA
November 18, 2006 | 12:00am
Nag-walkout kamakalawa ng gabi si dating Sen. Loren Legarda sa ginanap na book launching ni Sen. Edgardo Angara dahil sa pagdating ni Pangulong Arroyo sa The Loft sa Rockwell, Makati.
Biglang nagpaalam si Legarda nang dumating ang Pangulo. Bagamat parehong produkto ng Assumption College sina Legarda at Arroyo at dating magkaalyado sa pulitika, nagkahiwalay ang kanilang landas nang tumakbo si Loren bilang runningmate ng yumaong si Fernando Poe Jr. sa ilalim ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) noong May 2004 elections habang ang kinuhang runningmate naman ni Mrs. Arroyo ay si Noli de Castro.
Ang 185-pahinang librong "Ed Angara: Seer of Sea and Sierra" ang huling librong isinulat ng premyadong National Artist na si Nick Joaquin bago ito namayapa. Ang libro ay nagtatampok ng buhay ni Angara mula sa pagkabata hanggang sa maging matagumpay na mambabatas.
Ang pagbebentahan ng libro ay mapupunta sa University of the Philippines (UP) kung saan ay minsang naging presidente nito si Angara. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest