^

Bansa

Child labor lumalala

-
Lumalala ang problema ng bansa sa child labor at sobrang kahirapan umano ang dahilan kaya patuloy ang pagtaas ng kaso nito.

Ayon kay Labor Undersecretary Antonio Sudusta, umaabot na sa apat na milyon ang mga kabataang nagtatrabaho na mayroong edad 5-15 taong gulang at 3 hanggang 4 na bata ay nagsisilbi bilang mga unskilled workers.

Lumalabas din sa pag-aaral na 2.4 milyon ng kabuuang 4 milyon ay mayroong worst form of child labor gaya ng mining, pyrotechnic materials, forestry, child domestic at sexual exploitation.

Nakikitang dahilan ng DOLE ang matinding kahirapan kaya maging ang mga magulang ng mga bata ay pumapayag na pagtrabahuhin ang kanilang mga anak kahit na sa murang gulang pa lamang.

Bunsod nito kaya inilunsad ng DOLE ang "Sagip Bata Manggagawa" program na naglalayong masolusyunan ang lumalalang child labor. Nakipag-ugnayan na rin ang DOLE sa mga inter-agency action mechanism na binubuo ng DSWD, PNP at NBI. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

AYON

BUNSOD

GEMMA AMARGO-GARCIA

LABOR UNDERSECRETARY ANTONIO SUDUSTA

LUMALABAS

LUMALALA

NAKIKITANG

NAKIPAG

SAGIP BATA MANGGAGAWA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with