^

Bansa

Jocjoc dapat ipasundo rin sa NBI

-
Binatikos kahapon ni House Minority Leader Francis Escudero ang ‘double standard’ umanong pamamalakad ng administrasyon na kitang-kita sa kaso nina Charlie ‘Atong’ Ang at dating Agriculture Undersecretary Jocelyn ‘JocJoc’ Bolante.

Ayon kay Escudero, nakakapagtakang walang effort na nakikita sa panig ng administrasyon na mapabalik sa bansa si Bolante gayong puwede rin naman itong ipasundo sa mga operatiba ng National Bureau of Investigation katulad nang ginawa kay Ang.

Naniniwala pa si Escudero na gagamitin ng adminitrasyon si Ang para lalong sirain si dating Pangulong Joseph Estrada.

Sinabi ni Escudero, kung totoong para sa bayan ang mabilis na pagsundo kay Ang sa Estados Unidos para harapin ang kaso nito ay bakit hindi ito magawa kay Bolante.

Si Ang ay may kinakaharap na kasong plunder na nagkakahalaga ng P6 milyon samanatalng si Jocjoc ay nahaharap sa kontrobersiyal na P2 bilyong fertilizer scam.

Kasabay nito, inihayag din ni Escudero na wala ng halaga ang alinmang testimonya ni Ang sa kasong plunder na kinakaharap ni Erap dahil tapos nang magpresenta ng ebidensiya ang depensa at prosekusyon. (Malou Escudero)

AGRICULTURE UNDERSECRETARY JOCELYN

ATONG

AYON

BOLANTE

ESTADOS UNIDOS

HOUSE MINORITY LEADER FRANCIS ESCUDERO

MALOU ESCUDERO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

SI ANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with