8,000 katao naperwisyo ni Queenie
November 13, 2006 | 12:00am
Mahigit 8,000 katao ang naapektuhan ng bagyong Queenie bago ito tuluyang lumabas ng bansa kahapon ng umaga patungo sa South China Sea
Ayon kay Dr. Anthony Golez Jr., Deputy Administrator ng Office of Civil Defense (OCD), dalawa katao ang iniwang sugatan at may 8, 280 residente sa San Jose City, Nueva Ecija ang inilikas sa mga evacuation center dahilan sa flashflood.
Sinabi ni Golez na may 14 barangay sa San Jose ang lubog sa baha at 14 kabahayan naman ang nawasak sa bayan ng Dipaculao sa lalawigan ng Aurora.
Hindi rin madaanan ang mga pangunahing highway sa hilagang Luzon sanhi ng landslide at pag-apaw ng mga ilog at mga dam dahilan para umabot sa kritikal na level ang tubig. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest