^

Bansa

Matagalang sesyon sa Chacha giit

-
Iginiit kahapon ni Ilocos Sur Rep. Salacnib Baterina ang pagdadagdag ng oras ng sesyon ng Kongreso upang matalakay umanong mabuti ang panukalang pag-amiyenda sa Konstitusyon.

Naniniwala si Baterina na hindi katuwiran ang sinasabi ng ilan na kapos na sa oras ang Kongreso upang maipagpatuloy ang Chacha.

Lalo lamang aniyang gumanda ang kinabukasan ng isinusulong na pag-amyenda sa Konstitusyon sa pamamagitan ng Constituent Assembly makaraan ang mabungang pagpupulong ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) noong Martes sa Malakanyang.

Ayon pa kina House Deputy Majority Leader Antonio Cerilles at Baterina, kahit hindi lumahok sa Con-Ass ang mga senador, kakayanin pa rin ng mga kongresista na aprubahan ang panukalang pagbabago sa Saligang Batas sa Disyembre 20. Sinabi ni Cerilles na lumaki ang pag-asang sang-ayunan ng mga mambabatas ang Con-Ass matapos na pumayag sina Sens. Edgardo Angara, Juan Ponce Enrile, Ralph Recto at Miriam Defensor Santiago na lumahok sa talakayan kaugnay sa usapin. (Malou Escudero)

BATERINA

CON-ASS

CONSTITUENT ASSEMBLY

EDGARDO ANGARA

HOUSE DEPUTY MAJORITY LEADER ANTONIO CERILLES

ILOCOS SUR REP

JUAN PONCE ENRILE

KONGRESO

KONSTITUSYON

LEGISLATIVE-EXECUTIVE DEVELOPMENT ADVISORY COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with