Sandiganbayan kinalampag sa graft vs Binay
November 11, 2006 | 12:00am
Umapela na sa Sandiganbayan si dating Makati City Councilor Oscar Ibay na aksiyunan sa lalung madaling panahon ang kanyang petition upang mag-intervene siya laban sa kasong katiwalian ni Makati City Mayor Jejomar Binay. Nanawagan ito sa Sandiganbayan na paboran ang kanyang petisyon na maging principal witness laban sa naturang alkalde upang patunayan na may katotohanan ang P232 million overpricing sa pagbili ng mga office furnitures. Sinabi nito na noong panahong isinagawa ang umanoy kuwestiyonableng transaksiyon ay konsehal siya at chairman ng committee on rules ng Makati City Hall Council. Nagsampa ng petition si Ibay noong Nob. 2, 2006 upang payagan siyang mag-intervene at maging principal witness sa naturang kaso. (Lordeth Bonilla)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
















