Sa panggigipit ng mga Arroyo: Tsansa ni Cayetano sa Senado, siniguro
November 10, 2006 | 12:00am
Mas lumalaki umano ang tsansa ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na manalo sa Senado sa susunod na taon dahil na rin sa nararanasang panggigipit ng pamilya Arroyo sa pangunguna ni First Gentleman Mike Arroyo.Ayon kay Anakpawis Rep. Crispin Beltran, ginagawa lamang ni Cayetano ang kanyang trabaho bilang mambabatas sa pamamagitan nang pagsisiwalat sa publiko ng mga nalalaman niyang katiwaliang ginagawa ng mga naka-upo sa gobyerno. Mas pinapasikat pa umano ngayon ng mga Arroyo si Cayetano kaya masasabing libre na ang nakukuha nitong publisidad sa media.
Sigurado rin aniyang maraming kabataan ang boboto kay Cayetano dahil sa ipinapakita nitong prinsipyo. Tinanggap ng House ethics ang reklamong inihain ng pamilya Arroyo laban kay Cayetano na nag-ugat sa umanoy multi-million dollar account ng mga Arroyo sa Germany. (Malou Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended