^

Bansa

RP-US relations ‘di apektado ng resulta ng US elections

-
Tiniyak ng pamahalaang Amerika na hindi maaapektuhan ng naging resulta ng eleksiyon sa US ang umiiral na magandang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ang pahayag ay ginawa ni US Ambassador to the Philippines Kristie Kenny nang bumisita siya kahapon sa Malacañang kaugnay ng pagwawagi ng mga Democrats sa US House of Representatives kontra sa Republicans ni US Pres. George W. Bush.

Ang Democrats din ang nakakuha ng apat na bagong puwesto sa Senado at sinasabing baka makontrol din nila ang US Senate.

Sinabi ni Kenny na napatunayan na sa kasaysayan ng Amerika kung paano magtrabaho ang mga Democrats at Republicans sa Kongreso at kung anumang ang resulta ng halalan ay bahagi lang ng proseso ng demokrasya.

Snabi pa ni Kenny na kapag tapos na ang halalan sa US, tapos na rin ang pamumulitika at ang inaatupag na nila ay pagtatrabaho para sa pambansang pagkakaisa.

"I can assure you that’s going to continue. Our relationships is so strong that whether members of Congress change or not, they’re all gonna be fans of US-RP friendship," ani Kenny. (Lilia Tolentino)

AMERIKA

ANG DEMOCRATS

ESTADOS UNIDOS

GEORGE W

HOUSE OF REPRESENTATIVES

KONGRESO

LILIA TOLENTINO

MALACA

PHILIPPINES KRISTIE KENNY

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with