Sa resolution ng SC, inatasan nito ang mga opisyal ng Comelec na huwag magdaos ng halalan at pinaghahain ng komento sa loob ng 10 araw ang mga respondents na kinabibilangan ng Comelec, Manila Mayor Lito Atienza, Presidential Chief of Staff Mike Defensor at iba pa.
Una nang naghain ng petition ang grupo ni Sen. Franklin Drilon na magpalabas ng TRO ang SC matapos na ipahayag ng Comelec na nagtapos na ang termino ni Drilon bilang pangulo ng LP.
Iginiit ni Drilon na walang karapatan ang Comelec na manghimasok sa internal problem ng nasabing partido. (Grace dela Cruz)